Espenido at 129 government troops, pinarangalan ni Duterte

Kasabay ng selebrasyon ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani, pinarangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isangdaan at dalawampu’t siyam na government troops na nasawi sa bakbakan sa Marawi City.

Ipinagkaloob sa asawa at pamilya ng mga nasawing sundalo at pulis ang Kalasag medal sa ilalim ng Order of Lapu-Lapu.

Maliban sa mga nasawing sundalo, pinarangalan din si Ozamiz City Chief Inspector Jovie Espenido ng Magalong medal dahil sa paglaban sa ilegal na droga sa Albuera, Leyte at Ozamiz City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *