Imbestigasyon sa pagkamatay ni Kian, ipaubayan na sa batas ayon sa Malakanyang

Nanawagan ang Malakanyang na ipaubaya na lamang sa justice system sa bansa ang imbestigasyon sa pagpatay sa 17-anyos na si Kian Delos Santos.

Ito ang panawagan ng Malakanyang isang araw matapos ilibing si Kian sa La Loma cemetery sa Caloocan City.

Si Kian ay kabilang sa dose-dosenang indibidwal na napaslang sa serye ng anti-narcotic operations sa Metro Manila at Bulacan nitong mga nakaraang Linggo.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang iba’t ibang imbestigasyon hinggil sa nasabing insidente habang nasampahan na ng kasong kriminal ang mga pulis na sangkot sa operasyon na ikinamatay ni Kian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *