Hydrogen bomb test ng NoKor, ikinabahala ni US Pres. Trump

Tinawag ni US President Donald Trump na “masama” at “mapanganib” para sa Estados Unidos ang panibagong major nuclear test ng North Korea.

Nauna nang inihayag ng Pyongyang na naging matagumpay ang pagsasagawa nila ng hydrogen bomb test para sa kanilang intercontinental ballistic missile.

Sa kaniyang post sa tweet, tinawag ni Trump na isang malaking banta ang ginawang ito ng North Korea.

Kaugnay nito, kinondena rin ng ilang mga bansa ang naturang nuclear test.

Sinabi ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na hindi nila isasawalang-bahala ang ginawang ito ng Pyongyang.

Agad namang nagpatawag ng isang emergency meeting si President Moon Jae-in ng South Korea para magbigay ng alerto sa SoKor military.

Hinikayat naman ng China ang Pyongyang na tigilan na umano nito ang mga mali nitong ginagawa.

Binansagan namang “reckless” ni UK Foreign Secretary Boris Johnson ang nabanggit na test ng tinaguriang “hermit country.”

Napag-alamang ito na ang ikaanim na beses na nagpakawala ng mga missile ang NoKor, simula pa noong 2006.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *