Laura Lehmann, kinoronahan bilang Miss World Philippines

Tinanghal bilang Miss World Philippines 2017 si candidate number 15, Laura Lehmann.

Sa “question and answer” (q&a), natanong si Laura kaugnay sa mga tinatawag na “non-believers” o mga hindi naniniwala sa mga beauty pageants.

Sinagot naman ng beauty queen na pagmasdan ang mga naggagandahang kababaihang kalahok ng Miss Philippines 2017 na kinabibilangan ng lawyers, architects, mga aniya’y “women of substance” at taglay ang kagandahan hindi lamang sa panlabas kundi maging sa puso at tumutulong ipakilala ang Pilipinas, ang mga pinay na sadyang tunay na maipagmamalaki.

Samantala, tinanghal naman na 2nd Princess si Zara Carbonell at 1st Princess Glyssa Perez.

Miss Multinational naman si Sophia Senoron, Miss Eco Philippines Cynthia Tomolla at Miss Reina Hispanoamerica si Winwyn Marquez.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *