Pangulong Duterte, ‘nagpa-panic’ na ngayon ayon kay Sen. Trillanes

Binuweltahan ni Senador Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang tawagin na “political isis”.

Ayon kay Trillanes, “nagpa-panic” na raw sa ngayon si Pangulong Duterte.

Ito ay “dahil malapit nang mabunyag ang mga illegal na gawain ng kanilang pamilya.”

Sinabi ng Senador na ang anak ni Pangulong Duterte na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at manugang nito na si Atty. Manases Carpio ay nauugnay sa smuggling sa Bureau of Customs (BoC).

Iginiit ni Trillanes na hindi naman ito kanyang alegasyon, pero impormasyon na nakuha sa witnesses sa hearing sa senado patungkol sa pagkakapuslit sa BoC ng P6.4 Billion halaga ng iligal na droga.

Kasabay nito, hinamon ni Trillanes sina Paolo at Carpio na magtungo sa senado at humarap sa mga pagdinig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *