Abdullah Maute, patay na ayon sa source ng wesmincom

Hawak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tatlo umanong sources na magpapatunay na patay na ang isa sa Maute brothers na si Abdullah.

Ayon kay Western Mindanao Command (wesmincom) Commander Lt. Gen. Carlito Galvez, Jr., meron pa silang mga hawak na open source information na magpapatotoo sa nasabing ulat.

Sinabi rin ni Galvez na magiging malaki ang implikasyon ng pagkamatay ni Abdullah sa morale ng mga miyembro ng ISIS-Maute.

Aniya, magiging susi raw ito sa pagbagsak ng liderato ng teroristang grupo.

Magugunitang isa si Abdullah sa mga lumabas sa isang video noong Hunyo na kung saan makikita ang mga lider ng nabanggit na grupo na pinaplano ang pag-atake sa siyudad ng Marawi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *