ASG Leader Hapilon na nasa Marawi pa rin, maaaresto ‘dead or alive’ – palasyo

Tiniyak ng Malakanyang na ginagawa ng government forces ang lahat para maaresto ang top notorious Abu Sayyaf Leader na si Isnilon Hapilon na nananatili pa rin sa Marawi kahit napabalitang namataan ito sa Basilan.

Batay sa assessments ng militar ay hindi pa rin nakakalabas ng Marawi ang teroristang lider.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, konting panahon na lamang ang kailangan at makukuha na nila si Hapilon buhay man o patay.

Siniguro naman ni Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo na target nilang ma-neutralize si Hapilon at ang Maute brothers.

Sa ngayon mahigit na sa isandaang araw ang rebelyon sa Marawi at nalalapit na ang final stage ng operasyon ng militar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *