Ban sa shipment ng manok at itlog, tinanggal na ng D.A; wala nang bird flu sa Pilipinas

Tuluyan nang tinanggal ng Department of Agriculture ang ban sa shipment ng mga manok, itlog at iba pang poultry products sa bansa.

Tiniyak ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa loob ng walumpung araw ay wala ng bird flu at napuksa na ang avian influenza sa Pilipinas.

Sa isang memorandum na pinirmahan ni Piñol, ipinag-utos nito ang pagbawi ng ban sa pagbyahe ng mga poultry products.

Sinabi ni Piñol na kanilang rerepasuhin ang lumang protocol na ginamit ng D.A. na nagdulot ng malaking pagkalugi sa poultry raisers sa bansa.

Nilinaw naman ng kahilim na binayaran na nila ang lahat na naapektuhan ng nasabing avian influenza outbreak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *