Dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, ipinatupad ngayong araw

Muling nagpatupad ng dagdag presyo ng kanilang produkto ang mga kompanya ng langis epektibo ngayong araw ng Martes.

Una nang nagdagdag presyo ang Flying V na tumaas ng kuwarenta sentimos kada litro ang gasolina at diesel, habang nasa singkuwenta sentimos sa kada litro ng kerosene na epektibo kaninang alas-12:01 ng hatinggabi.

Sumunod namang nagpatupad ng oil price hike ngayong alas sais ng umaga ang Pilipinas Shell, Phoenix Petroleum Philippines, PTT, Eastern Petroleum, na may kahilintulad ang halaga.

Asahang susunod din ang iba pang kompanya ng langis sa naturang oil price hike.

Ito ay epekto bunsod na rin sa patuloy na paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Matatandaan, na huling nagpatupad ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo noong Agosto a-beinte nueve taong kasalukuyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *