Low pressure malapit sa Aurora, naging bagyong ‘Kiko’ na

Tuluyan nang nabuo bilang ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) na binabantayan sa Silangang bahagi ng Luzon.

Ayon sa PAGASA, tinawag itong tropical depression Kiko.

Huling namataan ang sentro ng bagong sama ng panahon sa layong 345 km Silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa limampu’t limang kilometro kada oras at may pagbugsong animnapu’t limang kilometro bawat oras.

Sa ngayon, nakataas ang tropical cyclone warning Signal no. 1 sa Cagayan, Ilocos Norte, Apayao, Batanes at Babuyan Group of Island.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *