Walang kompromiso sa pagsasauli sa umano’y Marcos’ ill-gotten wealth – Duterte

Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang kompromisong nabuo sa pagitan ng pamahalaan at ng pamilya Marcos kaugnay sa pagsasauli ng umano’y nakaw na yaman ng mga ito.

Sinabi ni Pangulong Duterte na nakinig lamang siya sa mga paliwanag ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos kung bakit nais na ngayon ng pamilya Marcos na isauli ang umano’y ill-gotten wealth.

Ayon kay Duterte, hindi inamin ng gobernadora na ang hawak nilang yaman ay ninakaw na pera.

Gayunman, iginiit ni Duterte na mangangailangan ng mahabang panahon at partisipasyon ng kongreso sa negosasyon para sa pagsasauli ng umano’y ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.

Kailangan din daw na dumaan ito sa maraming “stages” bago pa man marating ang pinal na kasunduan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *