BBL VERSION

BBL version ng Senado, naaayon sa batas

National News

Kayang sagutin ng bersyon ng Senado sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) ang lahat ng posibleng katanungan sa ligalidad nito sa Supreme Court.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, naayos na ng senado ang lahat ng isyu sa constitutionality ng BBL na layong magtatag ng Bangsamoro Region sa mindanao.

Sinabi ni Zubiri na sa kanilang senate version, may mga probisyon ng pagkakaroon ng constitutional bodies sa Bangsamoro.

Una nang iginiit ni Albay Representative Edcel Lagman na posibleng labagin ng pagtatag ng Bangsamoro entity sa Mindanao ang 1987 Constitution dahil ikinukunsidera ng Saligang Batas ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na constitutional body.

Pagpasa ng BBL sa Kamara at Senado, ikinagalak ng AFP

Ikinagalak ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez ang pagkakapasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Kamara at Senado.

Sa sandaling maging batas ang BBL, sinabi ni Galvez na mas magkakaroon ng “more cooperative engagement” ang militar sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Aminado si Galvez na malaking hamon sa militar sakaling maipatupad na ang nasabing batas.

Pero ayon kay Galvez, ang BBL ang tugon umano sa problema sa terorismo sa Mindanao.

Aniya, bukod sa mga Muslim, makikinabang din sa BBL ang mga lumad at Kristiyano sa Mindanao.

Gayunpaman, tiniyak ng AFP chief na kontrolado pa rin ng AFP leadership ang mga sundalong madedestino sa Bangsamoro Region.

BTC, ikinatuwa ang pagpasa ng BBL

Ikinatuwa ni Bangsamoro Transition Commission (BTC) Chairman Mohagher Iqbal ang pagkakapasa ng panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa dalawang kapulungan ng kongreso.

Umaasa si Iqbal na mas magandang BBL ang maisasabatas sa 17th Congress.

Aminado si Iqbal na malayo ang bersyon ng senado sa BBL sa isinumiteng bersyon ng BTC na aniya ay bahagi raw ito ng isang legislative process.

Samantala, bukas naman ang kampo ni Iqbal sa amendments na isinusulong ngayon ng mga senador.

Una nang inirekomenda ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pag-amyenda sa panukala upang hindi sapitin ng BBL ang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) na idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema noong 2008.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *