isyu

Sereno kay Calida: Sagutin ang mga isyu laban sa kanya

National News

Hinamon ng kampo ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno si Solicitor General Jose Calida na sagutin na lamang ang mga isyu na ipinupukol sa kanya kaysa ilihis ang usapin.

Ito ang tugon ni Atty. Jojo Lacanilao sa naging banat ni Calida na siya ang inaatake ngayon matapos maghain ng quo warranto petition laban sa dating chief justice.

Ayon kay Lacanilao, “unfair” ang pahayag ni Calida sa gitna ng kotrobersyang kinakaharap nito.

Tinukoy dito ni Lacanilao ang Vigilant Investigative and Security Agency Incorporated (VISAI) na pag-aari ng pamilya Calida.

Una nang hinimok ng ilang mambabatas si Calida na magbitiw sa puwesto dahil sa naturang isyu.

SolGen Calida, nanindigang hindi magbibitiw

Nanindigan si Solicitor General Jose Calida na hindi siya magbibitiw sa puwesto.

Sa gitna ito ng panawagan ng ilang senador na mag-resign na si Calida dahil umano sa conflict of interest.

Sinabi ni Calida na walang conflict of interest sa kasunduan ng kanyang pamilya sa mga ahensya ng pamahalaan.

Nakasaad din aniya sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ang financial interest ng security firm ng kanilang pamilya.

Iginiit din ng Solicitor General na mali ang ikumpara ang kinakaharap na isyu sa kaso ni dating Tourism secretary Wanda Tulfo-Teo.

Ito aniya ay dahil ang Office of the Solicitor General ay hindi nagbibigay ng pera sa sinuman hindi tulad ng nangyari kay Teo na nagmula sa Department of Tourism (dot) ang pondo at ibinigay sa kumpanya ng kapatid na may blocktimer program sa PTV-4.

Ayon kay Calida, magsasampa siya ng kaukulang kaso sa mga naninira sa kanya dahil malaking kasinungalingan na may extramarital affair siya.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *