COLORUM

Higit 2,000 colorum PUVS, nahuli ng I-ACT simula noong 2016

Metro News

Sa loob ng isang taon at siyam na buwang operasyon ay libu-libong units na ng mga colorum na Public Utility Vehicles o PUVS ang nahuli ng Inter-Agency Council for Traffic o I-ACT sa buong bansa.

Sa report na inilabas ng I-ACT, mula 2016 hanggang Abril ngayong taon, nasa 2,470 units o katumbas ng (41.4%) ang nahuling PUVS sa pangununa ng Task Force Kamao ng Land Transportation and Franchising and Regulatory Board  (LTFRB).

Ang nasabing bilang ay mas mataas sa mga sasakyang nahuli sa kaparehong panahon ng nagdaang administrasyon.

Aabot naman sa P305-M ang nakolektang multa ng mga otoridad mula sa mga colurom na PUVS na mas mataas pa sa nakolektang multa sa buong anim na taon sa nagdaang gobyerno.

Ayon kay I-ACT overall head Tim Orbos, ang malaking agwat sa resulta ng dalawang administrasyon ay bunsod ng pinaigting na operasyon nila sa lahat ng 17 rehiyon sa buong bansa.

Sa huli, tiniyak ni Transportation Secretary Art Tugade na magpapatuloy ang kanilang Anti-Colorum campaign maging sa mga liblib na lugar sa buong bansa ayon na rin sa direktiba ni Pangulong Duterte.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *