dismayado

Mga kawani ng gobyerno, dismayado sa pangulo

National News

Dismayado ang mga kawani ng gobyerno sa hindi pagpapatupad ni Pangulong Duterte sa kanyang mga pangako sa mga empleyado ng pamahalaan na wakasan na ang kontrakwalisasyon.

Sa ginanap na forum Manila Hotel ay sinabi ni Rosario Bella Guzman ang Research Department Head ng Ibon Foundation na ang P750.00 na panukalang dagdag sahod sa mga manggagawa ay maliit lamang na bahagi ng mga kinikita ng mga malalaking kumpanya kaya walang epekto sa kita ng mga manggagawa kung tataasan ng sahod ang mga ordinaryong manggagawa.

Ayon kay Guzman, batay sa data mula sa 2015 annual survey ng Philippine Business and Industry of the Philippine Statistics Authority na kakaunti lamang ang mababawas ng kanilang kita o profit.

Paliwanag pa ni Guzman na hindi mababawasan ang inflation kung tataasan ang sahod ng mga manggagawa at hindi dapat taasan ang mga pangunahing bilihin at hindi rin kailangan na bawasan ang mga manggagawa.

Giit ni Guzman na kayang bigyan ng dagdag na sahod ng mga malalaking korporasyon sa suporta ng gobyerno kung saan makikinabang din dito ang and small and medium enterprises (SMES) kung gagawing P750.00 ang sahod ng mga manggagawa dahil mabibili na ang kanilang mga produkto sa merkado.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *