SINIBAK SA PWESTO

Mga sinibak sa pwesto ni Duterte, umabot na sa 30

National News

Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bilang ng mga opisyal ng pamahalaan na kanyang sinibak sa pwesto dahil sa isyu ng korapsyon nang humarap ito sa Filipino community sa Seoul, Korea.

“Kaya sabi ko dito, magtrabaho talaga tayo. Wala itong — this is not… if you join me, talagang mahigpit ako. So, to date, I have fired about 30. ‘Yung mag-travel ng 21 times. Nagpunta ng Ottawa, punta ng Beijing, magpunta ng Brazil.” – Pangulong Rodrigo Duterte

Kasalukuyang nasa South Korea si Duterte para sa 3-day official visit nito.

Aminado si Duterte na ang karamihan sa mga inalis nito sa puwesto ay ang mga humikayat sa kaniya na tumakbo sa pagkapangulo noong nakaraang presidential elections.

Masakit man ito sa kaniya ay kinailangan niyang gawin ito.

Pinuno ng Philhealth, sinibak

Samantala, sinibak sa puwesto ni pangulong Duterte ang pinuno ng Philhealth na si Celestina Ma. Jude dela Serna.

Pinalitan ni Duterte si dela Serna bilang acting Philhealth Chief sa katauhan ni Dr. Roy Ferrer na isa sa mga board members ng ahensiya partikular sa Employers’ Sector Representative.

Nagbigay naman ng kumpirmasyon si Ferrer kaugnay sa pagtalaga sa kanya ni Duterte.

Ani Ferrer, kanyang gagawin ang makakaya upang maging mahusay sa kanyang trabaho bilang isang public servant at magampanan ang mandato nito sa Philhealth.

“I will do my best to be an effective public servant and to carry out the mandate of Philhealth and PRRD given me.” – Dr. Roy Ferrer, Acting Philhealth Chief

Para naman sa tagapagsalita ng Philhealth na si Dr. Israel Fargas, napag-usapan sa ginanap na regular executive meeting ang isyu ng bagong liderato sa kanilang ahensiya.

Sa katunayan si dela Serna pa rin ang siyang nag-preside sa ginanap na meeting.

Sa kabila nito, wala pa silang natatanggap na opisyal na paabiso mula sa Palasyo.

Magugunitang nahaharap sa kontrobersiya si dela Serna kaugnay sa gastos dahil sa madalas niyang biyahe sa pag-uwi nito sa Bohol.

Depensa nito aprubado naman umano ng board ang mga ginastos rito.

Ulat Ni: Hanna Jane Sancho

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *