pdea

Interdiction Task Force ng PDEA, tututok sa mga paliparan sa bansa

National News

Ito ang reaksyon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino sa patuloy na paglusot ng mga iligal na droga sa Clark at NAIA Airport Terminals.

Dahil hindi lahat ng mga paliparan o airports sa bansa ay may presensya ng PDEA.

Nakaka-alarma na aniya ang paglusot ng mga droga na kanilang na-monitor simula noong unang bahagi ng 2017 hanggang sa kasalukuyang taon.

At bilang lead agency sa War on Drugs ng gobyerno, kasama sa tutukan ang mga international couriers na sinasamantala ng mga sindikato para maipasok ang iba’t ibang klase ng iligal na droga sa bansa.

Martes, June 5, nang iprinesenta ang nasa 74.8 milyong pisong halaga ng shabu na nakalusot sa bansa gamit ang international courier.

Nasabat ito sa dalawang operasyon sa Paranaque at Cavite nitong linggo.

Mula sa California ang mga drogang nasabat na isinilid sa ihawan, stool bar at piano chair.

Apat (4 ) na suspek ang arestado sa operasyon na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ulat ni:  MJ Mondejar

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *