jobless rate

Jobless rate sa bansa, bumaba nitong Abril

National News

Bumaba ng 5.5 percent ang jobless rate sa bansa noong Abril.

Batay sa preliminary Philippine Statistics Authority (PSA) data, bumuti ang unemployment rate sa umpisa ng second quarter ng taon, kumpara sa 5.7 percent (5.7%) noong Abril 2017.

Sa kabila nito ay tumaas naman ng labimpitong porsyento ang underemployment rate sa Pilipinas noong Abril, mula sa 16.1 percent sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.(16.1%).

Ang mga underemployed ay mga empleyado na nais pang mag-overtime sa kasalukuyang posisyon, naghahanap pa ng karagdagang hanapbuhay o bagong trabaho na may mahabang working hours.

Samantala, ikinagalak naman ng economic managers ng Administrasyong Duterte ang pagbaba ng unemployment rate sa bansa.

Ayon kay Department of Budget and Managament (DBM) Secretary Benjamin Diokno, resulta aniya ito ng higit animnaraang libong trabaho na binuksan noong nakaraang taon.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *