pagsibak

Pagsibak sa mga opisyal, hindi gimik ayon sa Palasyo

National News

Iginiit ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na hindi gimik ang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang mga opisyal dahil sa umano’y kurapsyon.

Ito ang naging tugon ng Palasyo, kaugnay sa pasaring ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno, na “for show” lang ang ginagawang pagsibak ni Duterte sa ilang mga opisyal sa kanyang administrasyon.

Nasabing “for show” lang ang hakbang ng pangulo dahil hanggang pagtanggal lang sa pwesto ang ginawa nito sa mga umano’y tiwaling opisyal at hindi ang pagsasampa ng kaso sa kanila.

Ayon kay Roque kailangang magpakonsulta ang dating chief justice dahil sa kanyang mga pahayag.

Bumuwelta naman ang kampo ni Sereno kay Roque.

Ayon kay Atty. Jojo Lacanilao, tagapagsalita ni Sereno, imbes na personal na atakehin ang dating chief justice dapat ipaliwanag na lang ni Roque na bakit hindi nadidiin sa korte ang mga sinibak at ang iba sa kanila ay nailuklok uli sa ibang posisyon.

“Instead of hurling personal attacks against CJ Sereno, Secretary Roque should just enlighten the public better why most if not all of government officials fired by the President for alleged corruption don’t end up getting charged in court. In some cases these fired officials are even recycled to other government positions.” – Atty. Jojo Lacanilao, Sereno’s Spokesperson

Sa pagharap nito kamakailan sa Filipino community sa South Korea, ibinida ni Pangulong Duterte ang pagsibak nito sa nasa 30 opisyal ng gobyerno dahil sa katiwalian.

Ulat ni:  Hannah Jane Sancho

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *