oral arguments

Petsa ng oral arguments sa isyu ng pagkalas ng bansa sa Rome Statute, itinakda

National News

Nagtakda na ang kataas-taasang hukuman ng petsa ng oral arguments kaugnay sa petisyon ng ilang na senador sa hakbang ng pangulo na pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute

Ayon kay Atty. Theodore Te, Spokesperson ng Korte Suprema, isasagawa ang pagdinig sa July 24 sa ganap na alas-dos ng hapon sa Supreme Court Session Hall.

Dagdag pa ni Te, tatalakayin dito ang petition for certiorari and mandamus na inihain nina Senador Francis Pangilinan, Franklin Drilon, Paolo Benigno Aquino IV, Leila De Lima, Risa Hontiveros at Antonio Trillanes IV.

Magugunitang iginiit ng anim na senador na invalid ang naturang hakbang ng pamahalaan dahil hindi ito dumaan sa Senado at hindi napagbotohan.

May sampung araw naman para magkomento dito ang mga respondent na sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Executive Secretary Salvador Medialdea, Permanent Philippine Representative to the UN Teodoro Locsin, Jr. at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo .

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *