social benefits

Social benefits sa ilalim ng TRAIN Law, pinamamadali

National News

Pinamamadali ni Quirino Representative Dakila Carlo Cua sa mga ahensya ng pamahalaan ang pagbibigay ng mga social benefits sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ginawa ito ni Cua matapos tumaas sa 4.6 percent (4.6%) ang inflation sa bansa nitong Mayo 2018.

Nakatakdang makipagkita si Cua sa mga ahensya ng gobyerno upang talakayin ang pagpapatupad ng naturang mga social benefits.

Nakasaad sa Section 82 ng TRAIN Law, na kabilang ang mga jeepney franchise na magkakaroon ng fuel vouchers.

Fifty percent (50%) ng mga mahihirap sa kabuuang populasyon ng bansa ang bibigyan ng diskuwento sa pamasahe at bigas kabilang na ang mga minimum wage earners.

Bukod pa dito ang pagkakaroon ng free skills training.

Samantala, umaabot naman sa sampung milyong low-income households ang makakatanggap bawat isa ng dalawandaang piso (P200) kada buwan ngayong taon at tatlongdaang piso (P300) naman kada buwan sa taong 2019 at 2020.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *