paaralan

116 na paaralan, naitayo ng DepEd mula 2015 hanggang sa kasalukuyan

National News

Nasa 116 na mga pampublikong paaralan ang naitayo ng Department of Educatio0n (DEPED) simula 2015 hanggang 2018.

Ito ang inihayag ni DepEd Spokesperson Undersecretary Annalyn Sevilla sa gitna ng paglikha ng senior high schools para suportahan ang implementasyon ng K-12 program. Kaya, nasa kabuuang 1,514 classrooms ang naitayo sa mga specific strategic sites.

Ito’y sa pamamagitan ng pakikipagtulungan at suporta ng iba’t ibang lokal na pamahalaan sa DEPED kung kaya natukoy ang mga naturang sites.

Nagpapatuloy pa rin ang pagtukoy o pagkamit ng DEPED kasama ng local government units (LGU’s) sa mga posibleng lokasyon na maaari pang tayuan ng mga paaralan para sa mga mag-aaral.

Nabatid na sa pagsisimula ng klase nitong Lunes, nananatiling problema para sa ibang paaralan lalo na sa metro cities ang kakulangan ng mga silid-aralan bunsod ng patuloy na konstruksiyon sa mga gusali ng eskuwelahan.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *