marikina river

Water level sa Marikina River, normal pa rin

Metro News

Bahagyang tumaas lamang at nananatili sa normal ang antas ng tubig sa Marikina River sa kabila ng magdamag na pag-ulan sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Sa abiso ng Marikina City Rescue, nasa 12.4 meters ang water level sa Marikina River kayat walang anumang alarma na nakataas sa ilog.

Sa sinusunod na guidelines sa Marikina River, tataas ang first alarm kapag umabot na sa 15 meters ang water level, 2nd alarm kapag 16 meters at 3rd alarm kapag umabot na sa labing walong metro

Sa kasagsagan ng pag-ulan ng madaling araw, ay 13.2 meters ang pinakamataas water level ang naitala sa naturang ilog.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *