Ilang grupo, balak idiskaril ang BBL

National News

Balak umanong idiskaril ng ilang grupo ang pagpapatupad ng Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ito ang ibinunyag ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa kabila na hindi pa nagiging ganap ang nasabing panukala.

Ayon kay Zubiri, plano ng ilang grupo at political clans na maghain ng petisyon sa Korte Suprema para harangin ang BBL.

Sinabi ni Zubiri na hindi pabor ang ilang political clans Sa Anti-Political Dynasty provisions sa kanilang Senate Bill 1717.

Nakasaad sa nasabing panukala na hindi maaaring humawak ng posisyon sa Bangsamoro Parliament ang magkakamag-anak hanggang sa second degree of consanguinity.

Tatalakayin sa bicameral conference ang BBL sa unang linggo ng Hulyo.

Inaasahang magiging highlight ng State of the Nation address (SONA) ni Pangulong Duterte ang pagpasa sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ipasa ang BBL alinsunod sa 2014 peace agreement – MILF

Umapela si Moro Islamic Liberation Front (MILF) Vice Chairman Ghazali Jaafar sa mga mambabatas na ipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) alinsunod sa 2014 peace agreement.

Nais ni Jaafar na maging balanse ang constitutional infirmities ng binalangkas na BBL ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) sa pangkalahatang interes ng mga mamamayan ng Bangsamoro.

Ito aniya ay dahil hindi dapat balewalain ang interes ng Bangsamoro people at dapat ding manatili ang lahat ng probisyon ng BTC version ng BBL.

Giit nito, hindi makukumbinse ng milf ang mga grupo gaya ng BIFF at Maute na suportahan ang peace process kung ang ipapasang BBL ng kongreso ay walang saysay.

Nagbabala rin si Jaafar na walang mangyayaring decommissioning sa MILF kapag walang BBL.

Dagdag pa nito, wala ring saysay ang BBL kapag ibinasura ang plebisito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *