senior citizen

P12-M, inilaan sa libreng anti-pneumonia vaccines ng senior citizen

National News

Inaprubahan ng Quezon City Council ang paglalaan ng inisyal na P12 milyong pondo para sa libreng pneumococcal immunization ng mga senior citizen sa lungsod.

Ayon kay QC Vice Mayor  Joy Belmonte, sa pamamagitan nito, magkakaroon na ng sapat na suplay ng 23-valent polysaccharide vaccines ang Quezon City Health Department (QCHD) para sa mga matatandang hindi pa nababakunahan.

Ayon kay Belmonte, “We now have a definite budget allocation of P12 million for our free pneumococcal immunization, and this could still increase in the succeeding years depending on the number of senior citizens who would need vaccination.”

Base sa pag-aaral karamihan ng tinatamaan ng pneumococcal infections ang mga senior citizens.

Base sa datos ng Department of Health (DOH) ang pneumonia ang isa pa ring pangunahing sanhi ng kamatayan ng mga Filipino at ito ang ikalawang sanhi ng kamatayan sa bansa noong 2013, kasabay ng acute lower respiratory tract infections.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *