tourism industry

Iba’t ibang problema ng Tourism industry, tinutugunan ng bagong pamunuan

National News

Isa-isa nang inaaksyunan ng bagong pamunuan ng Department of Tourism (DOT) ang iba’t ibang isyu ng Tourism industry.

Sa isang pulong balitaan sa Maynila, sinabi ni Secretary Bernadette Romulo-Puyat na importanteng matugunan ang mga kinakaharap pang suliranin para makapanghikayat pa ng maraming turista sa bansa.

Unang-una rito ang paliparan kung saan inihayag ni Puyat ang posibilidad na paglalagay ng libreng wifi at dagdag cctvs dito.

Maliban dito, importante rin aniya na mayroong maayos na medical care ang lahat ng tourist spots.

Samantala, nakipag-ugnayan na si Puyat sa kinauukulang ahensya gaya ng Department of Health  (DOH), Bureau of Customs (BOC) maging sa Tourism Congress, private stakeholders, ilang airline companies at ambassadors para mapakinggan ang kanilang panig.

Ito’y upang malaman ang nararapat pang gawin para sa ikalago ng Tourism industry ng bansa.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *