srp

DA, lalagyan ng SRP ang mga pangunahing agri products

National News

Sisimulan na ng Department of Agriculture (DA) na lagyan ng suggested retail price (SRP) ang mga pangunahing agricultural products.

Kabilang sa mga produkto na lalagyan ng SRP ang mga sumusunod:

  • Regular milled rice – P39/kilo
  • Bangus – P150/kilo
  • Tilapia – P100/kilo
  • Galunggong – P140/kilo
  • Pulang sibuyas – P95/kilo
  • Puting sibuyas – P75/kilo
  • Imported na bawang – P70/kilo
  • Lokal na bawang – P120/kilo

Ayon kay Agriculture secretary Emmanuel Piñol, uunahin sa programang ito ang mga palengke sa Metro Manila.

Sinabi ni Piñol na ang nasabing presyo ay inirekomenda ng mga stakeholders at naikumpara sa mga nagdaang buwan.

Nilinaw ni Piñol na magkakaroon ng pagbabago sa presyo depende sa gagawing pag-aaral tuwing ika-labing limang araw (15) ng bawat buwan.

Pinag-aaralan din ang paglalagay ng srp para sa mga poultry at livestock products tulad ng itlog.

Ang sinumang lalabag ay makukulong ng lima (5) hanggang labinlimang taon (15) at multa na limang libo hanggang isang milyong piso (P5, 000 – P1-M) alinsunod sa Price Act of 1992.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *