mahistrado

8 mahistrado, dapat tanggihan ang nominasyon bilang susunod ng Chief Justice

National News

Binigyang-diin ni Albay Representative Edcel Lagman na hindi dapat makinabang sa kanilang desisyon ang walong mahistrado ng Korte Suprema na bumoto pabor sa quo warranto na nagpatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ni Lagman na dapat tanggihan ng nasabing mga Supreme Court justices ang nominasyon bilang susunod na punong hukom.

Iginiit ng kongresista na dapat din ma-diskwalipika sa posisyon bilang chief justice ang mga mahistrado na nakatakdang sampahan ng impeachment complaint sa kamara.

Ayon naman kay Akbayan Representative Tom Villarin, ang pag-i-inhibit sa nominasyon bilang chief justice ay common sense at basic decency.

Impeachment complaint laban sa 8 hukom ng SC, nakaumang

Pinaplantsa na ng Minorya sa Kamara ang ihahaing impeachment complaint laban sa walong (8) Supreme Court Justices na pumabor sa quo warranto petition na nagpatalsik kay dating chief justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ang kinumpirma ni Akbayan Partylist Representative Tom Villarin matapos ibasura ng Korte Suprema ang motion for reconsideration ni Sereno

Ayon kay Villarin, nakipagpulong na sila sa iba’t ibang abogado para isapinal ang naturang reklamo.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *