relihiyon

Duterte, walang karapatan na batikusin ang anumang relihiyon

National News

Iginiit ng Makabayan Bloc ng Kamara na walang karapatan si Pangulong Rodrigo Duterte na bastusin ang anumang relihiyon.

Ito’y ayon sa grupo kasunod ng pagbatikos ni Pangulong Duterte sa Diyos at Kristiyanismo.

Sinabi ni ACT Teachers Party-List Rep. Antonio Tinio, nilabag ni Pangulong Duterte ang “Freedom of Religion” na iginagawad ng Saligang Batas.

Ayon kay Tinio, iniluklok si Duterte sa Malakanyang hindi para gamitin ang pwesto ng isang pangulo para siraan at idisrespeto ang anumang relihiyon.

Para kay Gabriela Party-List Rep. Emmi de Jesus, nagmalabis umano si Duterte dahil sa kaniyang naging pahayag.

Umaasa si de Jesus na makiisa sa kanilang pagbatikos ang mga nabastos ng pangulo sa “anti-people” na mga polisiya ng punong ehekutibo.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *