Presidential Electoral Tribunal

Robredo at Marcos, pinagmumulta ng Presidential Electoral Tribunal

National News

Pinagmumulta ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sina Vice President Leni Robredo at dating Senador Bongbong Marcos.

Ito ay dahil sa paglabag umano nina Robredo at Marcos sa inilabas na gag order ng Korte Suprema noong Abril.

Pinagbabayad ng tig-limampung libong piso (P50, 000) sina Robredo at Marcos dahil sa hindi pagtalima ng mga ito sa sub judice rule.

Ayon sa Korte Suprema, may paglabag sa kautusan ng PET ang dalawang panig na huwag isapubliko ang mga merito ng kanilang kaso habang nakabinbin pa ito sa korte.

Matatandaan na nitong Abril ay nag-isyu ng show cause order ang PET matapos ibunyag ng magkabilang panig ang mga sensitibong impormasyon kaugnay sa nagpapatuloy na manual vote recount.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *