pagmultahin

VP Robredo, dumepensa matapos pagmultahin ng PET

National News

Dumepensa si Vice President Leni Robredo matapos pagmultahin ng Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET).

Sinabi ni Atty. Romulo Macalintal, abogado ng bise presidente, sinasagot lamang nila ang mga maling pahayag ng kampo ni dating senador Bongbong Marcos.

Matatandaan na parehong pinagmulta ng tig-limampung libong piso (P50, 000) ng PET sina Robredo at Marcos dahil sa paglabag sa sub judice rule na inisyu ng Supreme Court.

Ito ay matapos magbigay ng kanilang merito sa media ang dalawang panig habang dinidinig sa korte ang electoral protest ng dating senador.

Paliwanag ni Macalintal, pinili nilang magsalita upang maliwanagan ang publiko sa gitna ng pagpapakalat ng black propaganda na ang intensyon ay i-discredit ang recount.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *