misencounter

Malakanyang, umaasang matutuldukan na ang turuan sa Samar misencounter

National News

Umaasa ang Malakanyang na matutuldukan na ang sisihan at turuan kung sino ang nagkamali sa nangyaring misencounter sa pagitan ng mga tauhan ng PNP at AFP sa Samar na ikinasawi ng anim na pulis.

Ito’y ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na inaako nito ang “full responsibility” sa insidente.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa kaniyang talumpati sa selebrasyon ng Sangyaw Festival of Lights sa Tacloban, Leyte.

Una nang iginiit ng pangulo na aksidente at walang may gusto sa nangyaring insidente.

 

Relasyon ng PNP at AFP, hindi apektado sa misencounter sa Samar – Lorenzana

Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi maaapektuhan ang relasyon ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines kasunod ng nangyaring misencounter sa Sta. Rita Samar.

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi sinadya at isang “unfortunate” incident na walang may gusto sa nangyari.

Sinabi ng kalihim na nananatiling maganda ang relasyon ng militar at mga pulis sa kabila ng nangyari.

Aniya, katunayan may mga joint exercises ang PNP at AFP na layon mapalakas pa ang koordinasyon ng dalawang security sector.

Pero pagtiyak ni Lorenzana na may mananagot sa nasabing insidente.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *