regulasyon

MMDA, may regulasyon sa mga provincial buses

Metro News

Magpapatupad ng bagong regulasyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa mga provincial buses na dumadaan sa EDSA.

Simula July 15, ang mga provincial buses mula sa Southern Luzon ay hanggang Pasay na lamang maaaring bumiyahe.

Habang ang mula North Luzon ay hanggang Cubao na lamang.

MMDA, mahigpit na ipatutupad ang regulasyon

Ipapatupad ito mula Lunes hanggang Biyernes simula 5:00 am hanggang alas 10:00 am at mula 4:00 pm hanggang alas 9:00 pm.

Ayon sa MMDA, maaaring gamitin ng mga bus na walang terminal sa Pasay ang Southwest Integrated Provincial Transport Terminal.

Kaugnay nito, inaalis na rin ng MMDA ang number coding scheme sa mga provincial buses.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *