SK treasurer

SK treasurer at secretary, dapat bigyan ng bayad serbisyo

National News

Inihain ni Albay Representative Joey Sarte Salceda ang Joint House Resolution 23.

Ito ay naglalayong bigyan ng honorarium o bayad serbisyo sa mga SK treasurer at secretary.

Kasunod ito ng pag-oobliga sa mga SK chairperson na magtalaga ng mga kalihim at ingat yaman mula sa mga kagawad at kasapi nito.

Ito ay para sa mahusay na pamamahala ng SK ngunit walang itinakdang sweldo sa mga ito.

SK treasurer at secretary, bigyan ng honorarium

Hiniling ni Salceda na bigyan ng honorarium ang SK officials na katumbas ng 60-percent ng honorarium ng SK chairmen.

Ito ay kukunin sa pondo ng barangay na ang sampung porsyento ay nakalaan sa development purposes.

Una nang ipinanukala ni Salceda na pagkalooban ng Barangay Official Eligibility (BOE) o katumbas ng civil service eligibility ang mga halal at hirang na opisyal ng barangay at SK pagkatapos ng kanilang isang terminong panunungkulan.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *