kontra dolyar

Mahinang piso kontra dolyar, hindi masama ang epekto

National News

Hindi masama ang epekto sa bansa ng mahinang piso kontra dolyar.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, ilang sektor ang nakikinabang sa mahinang piso gaya ng pamilya ng mga:

  • OFWS
  • business process outsourcing industry
  • export-oriented industries
  • mga kumpanyang gumagawa at nagbebenta ng mga produkto para makipag-kompetensya sa imported products.

Pamahalaan, nakikinabang din -Diokno

Isa rin aniya sa nakikinabang dito ang pamahalaan dahil sa mataas na kita mula sa import taxes na kinalaunan ay magreresulta sa mababang budget deficit.

Sinabi ni Diokno na kailangan ng bansa ang competitive peso at hindi ng malakas na piso.

Hindi aniya dahil malakas ang piso ay nangangahulugan na ito na malakas din ang ekonomiya.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *