DOH Sec: Pagsunod sa Pangulo, dahilan ng pagbaba ng biktima ng paputok

National News

Pagiging masunurin umano kay Pangulong Rodrigo Duterte ang epekto ng pagbaba ng bilang ng mga biktima ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay DOH Secretary Paulyn Ubial, takot na ang mga pilipino na gumamit pa ng mga paputok sa Bagong Taon dahil kay Pangulong Duterte.

Sinabi ni Sec. Ubial, na dahil sa takot ay nakamit ngayon ng Pilipinas ang pinakamababang bilang ng mga firecracker injuries sa loob ng sampung taon.

Magugunita na makailang ulit na sinabi ni Pangulong Duterte ang pag-ban sa mga paputok maging noong ito ay Mayor pa lamang ng Davao City.

Batay sa ulat ng DOH, umabot lang sa 350 katao ang naging biktima ng mga paputok kumpara sa nakalipas na sampung taon na may average na 1,000 injuries.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *