LPG, nagtaas ang presyo sa unang araw ng 2017

National News

Nagdagdag singil ang isang kompanya ng langis sa presyo ng LPG sa mismong unang araw ng 2017.

Ang Petron ay nagtaas apat na pito at labing limang sentimos sa kada kilogram ng gasul at fiesta gas, katumbas ng 45 pesos na taas presyo sa kada 11-kilogram na tangke.

Habang sa auto-LPG ay dalawang piso at tatlumpu’t dalawang sentimos sa kada litro ang itinaas ng Petron.

Epekto raw ito ng pagtaas ng International LPG contract price.

Wala namang abiso ang iba pang kompanya ng langis.

Samantala, inaasahan naman bukas, araw ng Martes, ang posibleng dagdag singil sa kada litro ng diesel at gasolina.

Ayon sa Oil Industry Sources, nasa kuwarenta hanggang sisenta sentimos ang posibleng oil price hike.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *