Torotot Festival, isinusulong Nationwide

National News

Iminungkahi ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na gawing Nationwide ang Torotot Festival sa tuwing sasalubong sa Bagong Taon.

Ginawa ito ni Dela Rosa sa kaniyang talumpati sa ginanap na Torotot Festival sa Rizal Park, Davao City.

Ito ay matapos muling mapatunayan na matagumpay ang firecracker ban ordinance ng lungsod kung saan muling naitala ang zero-casualty sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Sa kabila ng inaasahan na sitwasyon, mahigpit pa ring ipinatupad ang Code White Alert sa naturang Torotot Festival.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *