Buhay ng pondo ng SSS, aabot pa hanggang 2029 kahit pa magkaroon ng 2,000 pension hike

National News

Iginiit ni dating Bayan Muna Congressman Neri Colmenares na kakayanin ng actuarial life ng Social Security System kahit pa magkaroon ng dalawang libong pisong dagdag pensyon.

Paliwanag ni Colmenares, hanggang 2029 ang buhay ng pondo ng SSS.

Dagdag pa ng dating kongresista, sa ilalim ng batas, ang gobyerno ang magsa-subsidize sa pension hike.

Pinalilinaw rin ni Colmenares ang datos sa unfunded liability ng SSS.

Aniya, maraming paraan para mas mapahaba pa ang buhay ng pondo maliban sa pagtataas ng kontribusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *