Higit 2000 pulis, itatalaga ng NCRPO sa traslacion ng itim na Nazareno

National News

Magdedeploy ang National Capital Region Police Office ng higit dalawang libong pulis sa kapistahan ng itim na Nazareno sa Enero a-nueve.

Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, magsasanib puwersa ang pulisya at local security kasama ang mga barangay tanod na aabot sa tatlong libo ang bilang na magpapatupad ng seguridad sa naturang kapistahan.

Inaasahang libu-libong deboto ang dadalo sa gagawing prosisyon kaya’t kinakailangan ang maraming puwersa ng kapulisan ang gagabay upang maiwasan ang anumang sakuna.

Matatandaan na ang taunang kapistahan ng itim na Nazareno ay kadalasan ay may mga nasasawi at nasusugatan.

Ayon sa NCRPO, para maiwasan ang anumang insidente ay dobleng paghihigpit ang kanilang ipatutupad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *