Joint exploration sa West Philippine Sea katuwang ang China, seryoso umanong pinag-aaralan ng pamahalaan

National News

Seryoso umanong pinag-aaralan ng pamahalaan ang pagsasagawa ng Joint Oil Exploration sa West Philippine Sea katuwang ang China.

Ayon kay Philippine Ambassador to Beijing na si Chito Sta. Romana, pinag-aaralan na ng Department of Energy at Department of Foreign Affairs ang Joint Exploration.

Paliwanag ni Romana, mahalagang mahakanap ng panibagong mapagkukunan ng enerhiya lalo pa’t inaasahang mauubos na ang suplay ng natural gas sa malampaya gas fields sa loob ng sampung taon.

Tiniyak naman ni Sta. Romana na anumang maging kasunduan sa China kaugnay sa Joint Exploration ay magiging alinsunod sa konstitusyon at ipapaalam rin sa U.N Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Para naman kay U.P Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea Director Jay Batongbacal, dapat maging transparent at bukas sa publiko ang mga detalye ng naturang plano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *