Mga napapatay sa anti-drug campaign ng PNP, umabot na sa mahigit 2,000

National News

Umabot na sa mahigit dalawang libo ang bilang ng mga napapatay sa kampanya kontra droga ng pamahalaan.

Batay ito sa datos ng Philippine National Police mula Hulyo a-uno hanggang Enero a-tres taong 2017.

Umakyat naman sa mahigit apatnapu’t tatlong libo ang naaresto na sangkot sa ilegal na droga.

Sa nagpapatuloy na Oplan Tokhang ng PNP, umabot na sa halos anim na milyon na mga bahay ang kanilang nakatok.

Habang mahigit isandaang libong mga drug pusher at user ang boluntaryong sumuko sa mga otoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *