Special Investigation Task Group, binuo ng PNP para mag-imbestiga sa Hilongos, Leyte bombing

National News

Binuo ng Philippine National Police Regional Office-8 ang Special Investigation Task Group na mag-iimbestiga sa nangyaring pambobomba sa Hilongos, Leyte noong Disyembre a-beinte otso.

Kabilang sa team sina PNP Regional Director Chief Supt. Elmer Beltejar, Deputy Regional Director Sr. Supt. Allan Cuevillas, Leyte Provincial Director Sr. Supt. Franco Simborio, Shief Insp. Ma. Bella Rentuaya at Police Supt. Jojie Tabios.

Bukod sa nasabing mga opisyal, inilagay din ng pnp ang walo pang police officers bilang evidence custodian.

Hiningi din ng PNP ang tulong ng NBI Regional Office at ng Philippine Army.

Magugunita na higit sa tatlumpung katao ang sugatan sa nasabing insidente na hinihinalang may kinalaman sa iligal na droga at Maute Terrorist Group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *