Tauhan ng PCG na nagpapautok ng baril noong Bagong Taon, sinibak na

National News

Sinibak na sa pwesto ni Philippine Coast Guard Officer-In-Charge Commodore Joel Garcia ang isa nilang tauhan na nagpaputok ng baril noong Bagong Taon sa Pasacao, Camarines Sur.

Ayon kay Garcia, ipinag-utos niya sa District Commander ng Coast Guard sa Bicol na agad paharapin sa headquarters ng Coast Guard sa Maynila si Petty Officer 3rd Class Ryan Lumbre oras na makapagpiyansa at makalaya.

Sinabi ni Garcia na magsasagawa sila ng sariling imbestigasyon at kapag napatunayang nagpaputok ng baril ay maaring maharap si Lumbre sa kasong kriminal at administratibo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *