127 preso, naghihintay sa lagda ng Pangulo upang lumaya

National News

Lagda na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay para tuluyan ng mapalaya ang 127 mga bilanggo na may karamdaman at may edad 80 taong gulang  pataas.

Bahagi ito ng Executive Clemency o Presidential Pardon na igagawad ng Pangulo sa mga bilanggo.

Sa ngayon ay tapos ng maproseso ng Board of Pardon Parole ng Department of Justice ang mga dokumento ng mga inmates mula sa Bureau of Corrections para tuluyan nang mapalaya ang mga ito.

Ayon kay Manuel Co, Administrator ng Board of Pardon, karamihan sa mga inirekomendang mapalaya ay mula sa Correctional Institution for Women.

Nangako naman si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na ipa-follow-up niya ang kanilang rekomendasyon sa Pangulo dahil umasa aniya ang mga inmates na makakalaya sila bago magpasko noong nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *