5, patay matapos ang manhunt operation nang tumakas sa inatakeng kulungan sa North Cotabato

Regional

Lima na ang narekober na preso matapos atakihin ng hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan ang Amas Provincial Jail sa Kidapawan City, North Cotabato kaninang ala una ng madaling araw.

Higit isandaan at limampu’t walong inmates ang nakatakas habang isang jail guard naman ang nasawi sa pamamaril.

Kinilala ang jail guard na nasawi na si Jail Officer 1 Excell Ray Vicedo matapos makipagpalitan ng putok sa mga umatake.

Karamihan sa mga nakatakas na bilanggo ay dawit sa kasong may kaugnayan sa pambobomba, pagpatay, at droga.

Ayon sa jail warden na si Superintendent Peter Bongat, planado ang nangyaring pagpuga ng mga preso.

Base sa inisyal na imbestigasyon, alam ng mga inmate ang mangyayari at naghihintay ang mga ito sa gagawing pag-atake para makatakas.

Idinawit naman ng mga otoridad ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa nangyaring jail attack pero itinanggi na ito ng grupo.

Kinansela na ang klase sa lugar habang pinaghahanap ang mga tumakas na preso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *