Clearing operations, nagsimula na bilang paghahanda sa Traslacion ng Itim na Nazareno

National News

Puspusan ang pagsasagawa ng clearing operations ng Manila Task Force Clean-Up sa mga dadaanan ng Traslacion ng Itim na Nazareno sa Lunes, Enero a-nuwebe.

Kabilang sa mga nilinis ang paligid ng Quiapo, Plaza Miranda at ilan pang kalye na dadaanan ng prusisyon.

Inalis rin ang mga maaaring makasagabal sa gagawing aktibidad.

Samantala, patuloy naman ang panawagan ng Ecowaste Coalition sa mga deboto na pupunta sa Traslacion na iwasan ang pagkakalat ng basura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *