PNP, pagpapaliwanagin ng Senado kaugnay sa mga Vigilante Killings

National News

Ipapatawag ng Senate Committee on Justice and Human Rights Ang Philippine national Police para pagpaliwanagin sa patuloy na mga kaso ng umano’y Vigilante Killings kahit holiday season.

Sinabi ni Senador Richard Gordon, Chairman ng komite, nais nilang malaman kung anong aksyon ang ginawa ng pulisya kaugnay sa nasabing mga pangyayari.

Binigyang diin ni Sen. Gordon na napakalaki ng intelligence fund ng pulisya na maaaring gamitin sa pag-monitor sa mga organisadong grupo ng kriminal.

Ayon pa sa Senador, puspusan din ang kanilang trabaho para maresolba ang mga krimen gaya ng paglikha ng Oversight Committee on Extra Judicial Killings, Vigilante Killings at iba pang krimen.

Pinag-aaralan na rin ng Senado ang pagkakaroon ng hiwalay na Local at National Police.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *