Lungsod ng Maynila, handa na sa pista ng Itim na Nazareno

Metro News

Nakahanda na ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office o MDRRMO ng Lungsod Manila sa pagdiriwang ng kapistahan ng Itim na Nazreno sa Lunes Enero a-nueve.

Ayon kay Jhonny Yu, hepe ng MDRRMO, pagaganahin nila ang mahigit dalawang daang CCTV cameras sa lungsod.

Nakaalerto na rin ang mga medical at rescue team sa lahat ng lugar na daranan ng prusisyon ng Itim na Nazareno mula luneta patungo ng simbahan ng Quiapo.

Katuwang ng MDRRMO ang lahat ng sangay ng gobyerno mula sa lokal hanggang national para matiyak ang sapat na seguridad sa lahat ng mga dadalo sa pista ng Itim na Nazareno.

Kasabay nito, nanawagan si Yu sa lahat ng motorista at mga vendors na bawal pumarada at maglako ng paninda sa daraanan ng Nazareno upang hindi makasagabal sa daloy ng prosisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *