NCRPO, nakaalerto sa araw ng Nazareno

National News

Nakaalerto na ang buong puwersa ng National Capital Region Police Office o NCRPO para sa nalalapit na pista ng Itim na Nazareno sa Lunes Enero a-nueve.

Tiniyak naman ni NCRPO Director General Oscar Albayalde, wala silang nakikitang banta ng terorismo sa Traslacion ng Itim na Nazareno.

Ayon kay Albayalde, mananatili silang nakaalerto sa kapistahan ng Itim na Nazareno sa lahat ng lugar na dinadagsa ng tao katuwang ang AFP, Philippine Coast Guard, MMDA at mga lokal na pamahalaan.

Nakipag-ugnayan na si Albayalde sa mga barangay na dadaanan ng prusisyon para maging katuwang sa pagbibigay ng seguridad sa kanilang mga lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *